Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karelasyon muling mapapanood sa GMA

SIMULA nitong Lunes, April 5, muling napapanood sa telebisyon ang award-winning at pinag-usapang drama anthology series na Karelasyon.

At kung dati ay isang beses lang ito sa isang linggo, ngayon ay araw-araw nang mapapanood dahil magiging bahagi ito ng GMA Afternoon Prime line-up.

Mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga, muling balikan ang mga tumatak na Karelasyon episodes na base sa karanasan ng mga magkarelasyong nagkaroon ng matinding hamon sa pagsasama.

Unang ipinalabas ang Karelasyon noong 2015 tampok si Carla Abellana. Bawat episode ay written and directed by acclaimed film writers and directors. Binigyang-buhay naman ang mga ito ng magagaling na Kapuso actor.

Tiyak na maraming matutuwa sa pagbabalik-telebisyon ng Karelasyon.  Isa ito sa mga top-rating shows ng GMA Public Affairs at ang mga video ng episodes nito na uploaded sa YouTube, libo-libo rin ang views.

Mapapanood ang Karelasyon Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …