Sunday , December 22 2024

Mga dating opisyal ng DILG at BFP pinakakasuhan ng COA

SA PAGLABAG sa itinatakda ng batas, pinasasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng Commission on Audit (COA) ang mga dating opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa kontrata sa pagbili ng 184 fire trucks at iba pang gamit ng bombero na nagkakahalaga ng mahigit P1.7 bilyon.

Nabatid sa 68-pahinang report ng COA, pinakakasuhan sina dating DILG  Secretary Jose D. Lina, Jr.; Atty. Marius Corpus, dating DILG Undersecretary; Gen. Francisco Senot, BFP fire chief; Senior Supt. Jose Collado; Senior Supt. Eduardo Lagumbay; Atty. Agripino Morga, DILG Representative; Senior Inspector Edwin Tabaranza, Senior Supt. Nimfa Cuartel, Supt. Leonard Consolacion, Chief Inspector Joseph Bacareza, Engr. Arsenio Rodriguez, Jr., Senior Fire Officer 4 Aniceto Herrera, Jr., Fire Officer 2 Renato Plantado, Senior Insp. Mario Cruz, Senior Insp. Renato Molina, Ruben Bearis, Jr., Ludivina Quinto, Supt. Florante Cruz, Supt. Arturo Ofreio, Teofista Anos, Anos Research Manufaturing (ARM) owner; Ma. Estrella Anos-Garcia, ARM General Manager; Chief Supt. Enrique Linsangan,  Chief Insp. Henry Mojica, Chief Insp. Jerry Candido, Atty. Marino Bermudez, Engr. Nelson Se, Lilibeth Simangan, Reynaldo Quirante, Umalab Tadina, Elizabeth Paquinto, Ma. Villa Miranda, Chief Supt. Rolando Bandilla, Inspector Stephen Jardeleza, Oscar Villegas, Globert Paul Garcia, Leroy Enriquez, Chief Inspector Jhufel Brananola, Inspector Benjamin Ventajar, Ruel Geronimo, Zaide Eloy, Raul Flores, Jr., Leonardo Sabellina, Jr., at Chief Superintendent Carlito Romero.

Ayon sa COA report, inirekomenda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naturang opisyal dahil sa paglabag sa Laws, Rules and Regulations ng kaukulang provision ng RA No. 9184 na mas kilala bilang “Government Procurement Reform Act” at sa Implementing  Rules and Regulation (IRR), ganoon din sa Executives Order No. 262 dahil sa pagkuha  ng 184 fire trucks at iba pang gamit ng bombero na aabot sa halagang P1,712,519,864.00.

Nabatid sa COA report na nilabag umano ng mga naturang opisyal ang section 4 (6) ng Presidential Decreee No. 1445 at ang COA Memorandum.

Saas sa COA report, dahil sa mga naturang paglabag inirerekomenda ng ahensiya na ang mga naturang opisyal at indibidwal ay sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Idinagdag sa COA report, ang resulta ng audit ay base sa procurement ng fire trucks nitong nakalipas na 2002 at 2006-2010, cold fire concentrate nitong 2005 at 2007, at fire hose nozzles nitong nakalipas na 2005 ng Bureau of Fire Protection  (BFP).

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *