Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric Mr. Dreamboy ni Sheryl

WALANG karelasyon ngayon si Jeric Gonzales.

Ayon ito mismo sa Kapuso hunk sa segment na May Pa-presscon ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) kamakailan.

“Single na single and ready to mingle,” ang bulalas ni Jeric sa tanong kung may girlfriend ba siya ngayon.

“Naniniwala kasi ako na love at first sight, eh. ‘Pag nakita mo siya, ‘yun na ‘yun, eh.

“Hindi ako naniniwala sa physical attributes.”

Pasabog din na sinabi ni Jeric na mas gusto niya na karelasyon ang isang babaeng mas may edad sa kanya.

“Ah, ako siguro, mas matan­da. Siguro mas may experience ‘yung babae, mas marami akong matututunan, ‘di ba?”

Kaya tinanong ng mga TBATS host na sina Boobay at Super Tekla si Jeric tungkol sa pagkaka-link ni Jeric kay Sheryl Cruz na co-star niya sa GMA afternoon drama series na Magkaagaw.

May relasyon nga ba sila ni Sheryl?

“Ah, kami ni Miss Sheryl Cruz? Alam niyo naman naging close kami sa ‘Magkaagaw.’

“So kung anuman ‘yung friendship namin ngayon, eh, sa amin na lang siguro ‘yun.

“Very ano kami, close kami. So, special ‘yun.”

Biniro ni Boobay ang binata kung siya na ba ang Mr. Dreamboy ni Sheryl?

Na pabiro namang sinagot ni Jeric na, ”Sa tingin ko, ako na.”

Ang kantang Mr. Dreamboy ay pinakasikat ni Sheryl noong late 80’s.

(ROMMEL GONZALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …