Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon sa basher: bago pa man dumating si Bea at lahat sila eh maganda na ako!

ALAM n’yo bang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay naglabas naman ng short film tungkol sa buhay nating mga Pinoy sa panahon ng pandemia?

Isang Umaga ang simpleng titulo ng aspirational/inspirational film na ‘yon na so far ay sa Instagram pa lang ni Sharon Cuneta napapanood. Ilang araw pa lang ito nai-post ng megastar.

Sa dulo ng short film ay may nakalagay na KIKONEK. Actually, walang paliwanag ang post ni Sharon na ‘yon. Basta naka-tag lang si @kiko.pangilinan. Ni-like rin naman ng senador ang post ng misis n’ya.

Isa sa mga puna tungkol sa Isang Umaga ay “Nakakaiyak.” May 25, 545 views na ang post na ‘yon ni Sharon habang isinusulat namin ito.

Iba’t iba ang moods ni Sharon ngayon batay sa Instagram posts n’ya na @realsharoncuneta. Ang latest, habang isinusulat namin ito ay ang matinding kalungkutan at pag-aalala n’ya na nagkaroon ng “massive stroke” ang malapit n’yang kaibigang make-up artist na si Fanny Serrano. Nananawagan din siya ng panalangin para kay Fanny.

Bago ‘yon, ang iponost naman  ni Sharon ay ang mistulang paglilitanya n’ya ng accomplishments niya bilang showbiz idol at pagtawag na ”Engot”  [tanga] sa isang netizen na nag-react sa ipinost niyang litrato na payat na siya.

Sabi ng basher, ”Good thing noon ka nag artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza, Anne Curtis, baka di ka napansin.”

Dagdag pa nito, kaya raw sanang makipagsabayan ni Sharon sa tatlong nabanggit na aktres kung naging kamukha nito ang kanyang inang si Elaine Cuneta. Pero ang kamukha raw ng singer-actress ay ang yumaong ama nito si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

Pinatulan ni Sharon, 55, ang basher.

Pagmamalaki ng Megastar, ”Sa dami na ng dumaan bago pa man dumating si Bea at lahat sila eh maganda na ako!”

Marunong din daw siyang kumanta, sumayaw, at umarte.

Sabi pa niya, ”Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!

“Alam mo ang ganda sampusampera. Ang ‘di maipaliwanag sa tao, ay ‘yung tinatawag na X-factor.

“Puede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot.”

Noong isang araw naman ay nag-post si Sharon ng video na kasama ang isang aso na kinatuwaan n’ya noong nagsusyuting siya ng Revirginized sa isang beach resort sa Zambales.

Gusto n’yang malaman kung nasaan ang aso na ‘yon at kung maaari n’yang ampunin na lang. Nahahabag siya sa aso na ‘yon na friendly at masigla kahit may skin disease ito na nagpapamaga sa paligid ng mga mata ng aso.

Habang isinusulat namin ito, parang wala pang nakapagbibigay ng impormasyon kay Sharon kung may nakakita na iyong aso.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …