Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mister na may 5 asawa tampok sa Magpakailanman

ANG kasal ay isa sa mga pinakamasayang araw ng isang babae ngunit paano kung malaman ni misis na hindi lang pala siya ang pinangakuan ng kasal ng kanyang mister kundi may apat pang iba?!

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang totoong kUwento ni Elaine, isang misis na nakatuklas na bukod sa kanya ay may apat pang babae na kinakasama ang kanyang mister.

Matagal na Ipinaglaban ni Elaine si Joseph sa kanyang pamilya kaya labis na lamang ang kanyang saya nang payagan siya ng kanyang mga magulang na maikasal dito. Subalit bago ang kasal, nadiskubre ni Elaine na una na palang pinakasalan ni Joseph si Madel. Kahit na may anak na si Elaine kay Joseph ay mas pinili niya na makipaghiwalay siya Rito dahil sa mata ng mga tao, walang bisa ang kanyang kasal kay Joseph.

Pinalaki ni Elaine nang mag-isa si Jennifer, ang anak niya kay Joseph. Nang magdalaga na si Jennifer, ipinakilala nito ang kanyang manliligaw kay Elaine. Agad na pinutol ni Elaine ang pakikipagrelasyon ni Jennifer dahil nalaman niya na ang lalaking nagugustuhan ng kanyang anak ay sariling kapatid nito, si Joseph Jr., na anak naman ni Joseph kay Madel.

Napilitan din sina Elaine at Jennifer na tumira sa iisang apartment kasama sina Madel at ang mga anak nito kay Joseph. Lalo pang na­ging komplikado ang lahat nang mabuntis ni Joseph si Clarissa. Nakitira rin si Clarissa sa apartment.

Laging nagbabangayan ang tatlong misis sa apartment pero ‘di nagtagal, nalaman din nila na may panibagong kabit na naman si Joseph, ito ay sina Baby at Maureen. At higit sa lahat, may mga anak din pala si Joseph sa mga babaeng ito.

Hanggang kailan kayang tiisin nina Elaine ang panloloko ni Joseph? Ano ang gagawin ni Joseph ngayong bistado na siya ng kanyang limang misis? Sa kabila ba ng sugat at sa­kit na kanilang dinaramdam, magkaroon pa kaya ng pagpapatawad ang mga puso nilang nasaktan?

Itinatampok sina Jay Manalo, Rochelle Pangilinan, Ina Feleo, Wynwin Marquez, Barbara Miguel, Will Ashley, Kyle Ocampo, Ana Capri, at Stephanie Sol.

Mula sa mahusay na direksiyon ni Laurice Guillen, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …