Friday , May 9 2025

Potpot ni Joel tatakbo na

AARANGKADA na ang pinakabagong nadagdag sa negosyo ni Joel Cruz.

Matapos ang paglaban niya sa pandemya para patuloy na maisalba ang kanyang mga tauhan, binuksan nila ng kanyang partners, na mga kamag-anak niya ang Takoyatea. Na bukod sa pwesto nito sa kanto ng Sisa at Retiro streets sa Maynila, nagde-deliver din ang ilang franchise stores nila na binuksan.

Bago natapos ang taon, binuksan na rin niya ang Teppanyaki by Joel Cruz sa mismong hardin ng kanyang tahanan sa Maynila na mayroon na ring mga franchise.

“Natakot talaga ako nang pumasok ang pandemya. Dahil lahat naman apektado. Nagsara ang mga mall kaya naapektuhan noon ang aming Aficionado perfumes. At kung may mga bukas kaming branches, hindi naman makapasok ang karamihan dahil na-implement na ang pagla-lockdown sa maraming lugar. Yes, may mga branch s kaming nagsara muna. But hopefully, muling makabangon.”

Kaya ngayon, para mas lalo pang makatulong sa mas nakararami, pinag-aralan ni Joel na pasukin ang delivery app, na tinawag niyang POTPOT up.

Nagbabasa-basa ako at nanonood ng mga istorya ng mga tao in YouTube. At doon ko narinig ang karamihan sa mga reklamo ng ating mga delivery driver. Na walang benefits at hirap na hirap sila na kumita. Marami silang complains. Kaya pinag-aralan ko kung paano rin matutulungan ang karamihan sa kanila. Lalo na kung mabigyan ng benefits while working.

“Naisip ko ‘yung POTPOT, kasi naalala ko ‘yung naglalako ng pandesal noong araw na ‘yan ang busina niya para makatawag pansin sa buong neighborhood. Marami na ang nag-a-apply. In the next months or so, aarangkada na rin siya. Since mayroon din naman akong mga businesses na kailangan ng delivery, eto na ‘yun para mas gumaan din ang lahat. Ipaglalaban ko sila. Sa mga narinig, napanood ko sa marami na nagsisikap para sa pamilya nila, sila ang masarap na mabigyan ng tulong.”

Gulat na gulat ang dalawang podcast hosts na base sa New York, USA na sina Jessy Daing, Jcas Jesse, at direk JV sa Over A Glass Or Two (OAGOT) sa mga ibinahagi ni Joel, from his humble beginnings to his status now.

Nakatutuwa nga na pati ang lovelife eh nausisa sa negosyante.

“Ang walong anak ko ang iniikutan ng buhay ko ngayon. I will admit mayroon namang mga nanliligaw. Kaya lang, tutok ako sa mga bata at sa negosyo. And ganoon ‘yon. I come with a package. Importante, mahal niya ang mga anak ko. Sila ang hindi pwedeng mawala sa buhay ko.”

Nausisa rin si Joel kung mayroon ba siyang favorite sa mga supling niya.

“Aminin man o hindi, ang mga magulang, mayroon silang talagang special o natatangi sa mga anak nila. Iyon ‘yung makikita mong pinaka-malambing. O mas nakukuha ang atensiyon mo. But it doesn’t mean you love them less, ‘yung iba. In the future, mapapanood nila o mababasa ito. But I know, the love I have for each of them eh, walang maka­papantay.”

Dahil sa pandemya, hindi pa mabisita ni Joel ang mga property niya, gaya halimbawa sa Amerika.

“I used to have a vacation home in L.A. Pero dahil hindi ko naman natitirhan, bihira lang kami magbakasyon doon, I converted it na lang into a building na pinapa-rentahan ko. The kids miss traveling as much as I do.”

Sa kabila ng pandemya, isa si Joel sa naging matatag. Hindi para sa sarili niya kundi sa mga tauhang kanyang kinakalinga.

Masarap ngang maging Boss si Joel. Dahil makatao ito. At ang biyaya niya ay ipinamamahagi niya sa mga tao sa paligid niya.

“It’s paying it forward. Nagsimula naman ako na nung una, nakikiusap pa muna ako sa lahat, in my garments business noong ni hindi ko makayang bayaran ang minimum wage nila. But as time went on, sa pagtutulungan at kumita na ang mga negosyong napagtulong-tulungan, doon na ako bumabawi. I treat them too, sa travels abroad, helping them sa pag-angat nila sa buhay. At the end of the day, maiisip mo na these are all temporary. Na hiram lang lahat. Kaya mas maganda na maging mabuting tao ka not only for yourself pero sa kapwa mo.”

POTPOT! Ayan na. Umarangkada na!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Bam Aquino Bimby

Bimby inendoso ang tiyuhin na si Bam Aquino

ISA pang miyembro ng pamilya Aquino ang nag-endoso sa kandidatura ni dating Senator at independent senatorial candidate Bam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *