Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cast ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” emosyonal sa pagiging No. 1 ng serye sa iWant TFC (Pagsasara ng ABS-CBN at pandemya binangga)

SA GINANAP na grand finale virtual mediacon para sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, na imbitado ang inyong columnist, dama namin ang pagiging emosyonal nina Iza Calzado, Sam Milby, Joseph Marco, Rita Avila, at Maricel Soriano, kasama ang sumikat na KiRae love team sa soap na sina Grae Fernandez at Kira Balinger, habang nagpapasalamat sa lahat ng mga tu­mang­kilik sa kanila, sa kabila ng pagsa­sara ng ABS-CBN at ng pandemya ay naging number one sila sa iWant TFC, at malakas rin sa iba pang digital platforms ng Kapamilya network.

Yes sulit ang lahat ng pinag­hirapan ng buong cast, mga director nito na sina FM Reyes at Avel Sunpongco, ang creative team at lahat ng bumubuo ng production ng JRB Creative Production ni Ma’am Julie Anne Benitez.

At good news para sa lahat ng mga tumatangkilik ng Ang Sa Iyo Ay Akin, starting today, March 8, 8:20 pm ay mapapanood na ito sa primetime slots ng TV5 kasabay ng airing sa Kapamilya channel at A2Z Channel 11.

Nang hingan ng reaksiyon si Iza sa good news na ito ay masaya ang aktres dahil mapapanood na sila sa wakas sa free channel.

“Salamat, at nabigyan ng pagkakataon na kahit dalawang linggo man lang ay mai-ere kami. Hindi totoo, I mean malaking bagay ‘yun. Minsan nga naiisip ko, I wonder ‘pag bumalik kaya ang franchise (ABS-CBN) ay i-replay kaya nila. Alam mo ‘yung naiisip ko siya. I wonder kung ipapalabas kaya nila para mabigyan ng pagkakataon na mapanood ito ng marami.”

Samantala, huwag bibitiw sa last 2 weeks ng ASIAA at mas makatigil-hinigang tagpo ang sasalubong sa mga manonood ngayong darating na linggo dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa pagtatangkang muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Nagpasiya si Caesar na sumama kay Red (Manuel Chua) matapos matunton ng huli ang lokasyon nina Jake at Hope (Kira Balinger) para sigura­duhing mapatay ang dalawa.

Sa kabilang banda, nalaman rin ni Gabriel (Sam Milby) ang kina­roroonan ng mga anak kung kaya’t magma­madali siyang puntahan sila. Sa paglapit niya sa kinaroroonan nina Jake at Hope, makaka­salubong niya si Avel (Joseph Marco).

Sa pag-uunahan nina Gabriel, Avel, at Caesar na maabutan ang dalawa, isang kapahamakan ang sasalubong kay Jake. Tuluyan nang napaikot ni Marissa (Jodi Sta. Maria) si Caesar dahil nakombinsing ilaglag si Ellice (Iza Calzado) kapalit ang mga dokumentong naglalaman ng mga anomalyang kasangkot siya.

Magwagi kaya si Caesar sa kanyang mga binabalak? Tuluyan kayang mawalan muli ng anak si Marissa? Ano kaya ang mangyayari kay Ellice sa ginawang pagsisiwalat ni Caesar?

Tutukan ang huling dalawang linggo ng hit serye gabi-gabi, 8:40 pm sa A2Z channel at TV5. I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa.

Mapapanood ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom. Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha  nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …