Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmina pinuri ang pagiging kontrabida

UMPISA pa lang ay mainit na agad ang pagtanggap ng viewers at netizens sa newest GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat matapos mag-trending ang world premiere ng serye nitong Lunes (February 22).

Idinirehe ni Jules Katanyag, ang Babawiin Ko Ang Lahat ay kuwento ni Iris (Pauline Mendoza) na mapipilitang iwan ang perpekto at komportableng buhay sa pagdating ng unang pamilya ng kanyang ama na susubukang agawin ang lahat sa kanila.

Umani ng papuri sa netizens ang epektibong pagganap ni Carmina Villarroel bilang kontrabida ng serye. Marami rin ang nag-abang at natuwa sa muling pagbabalik telebisyon ni Tanya Garcia. Nagpaabot din ng pagbati ang fans ni Pauline sa first lead role ng Kapuso actress.

Mensahe ng isang netizen, “Congrats sa lahat ng cast. Muli na naman mabubuhay ang ating mga hapon dahil sa #BabawiinKoAngLahat!”

Huwag nang magpahuli sa nakaaantig sa pusong kuwento ng Babawiin Ko Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …