Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Yorme ayaw ng bodyguard

UNANG teleserye ni Joaquin Domagoso o JD sa GMA ang First Yaya na katambal si Cassy Legaspi. Bida rito sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.  

Bukod sa pag-aartista, nais din ni Joaquin na maging businessman.

Ayaw niyang maging mayor tulad ng ama niyang si Manila City Mayor Isko Moreno.

“Ang bata ko pa bakit ko iisipin agad ‘yan,” at tumawa si Joaquin.

Hindi rin naman agad inisip ni Isko na maging Mayor.

“Yeah ako rin but right now hindi pa plano ‘coz that’s a long-term plan.”

Kung iyon ang tadhana niya, ang maging politico, tatanggapin ba niya?

“Yeah,”  ang nakangiting sagot ni Joaquin.

Ano na ang best advise sa kanya ng ama ngayong artista na rin siya?

“Listen, always listen, to your co-artist. Listen to your manager. 

“And be careful. Because now that you’re in this world, where like, everybody’s watching.”

Walang bodyguard si Joaquin, ayaw niya. Lagi naman siyang maraming kasamang kaibigan kapag lumalabas.

Binibigyan siya dati ng bodyguard pero tinanggihan niya.

“We’re not that sobrang special na, ‘Be careful,’ parang ganoon. We don’t have enemies that big.”

At sa tanong namin kung ano ang luxury in life niya, ”V Cut,” na ang sikat na local brand ng potato chips ang tinutukoy.

May isang Pasko raw dati, dahil alam ng lahat na paborito niya iyon ay niregaluhan siya ng isang tito niya ng 50 V Cut!

“Wala parang three weeks naubos ko,” ang tumatawang bulalas ni JD.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …