Thursday , December 19 2024

Regine Velasquez tinapatan ng Film Ambassadors’ Night

BIG night sa Pinoy showbiz ang February 28.

Dalawang major events ang idaraos online: ang Freedom concert ni Regine Velasquez at ang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

At parehong 8:00 p.m. ang simula ng dalawang events.

Paano nangyari ‘yon? Sino ang tumapat kanino?

Noong itanong ‘yan kay FDCP chairman Liza Diño noong online press conference ng FAN, nagulat pa siya na may concert pala si Regine sa Feb. 28. Tapos ay napabungisngis pa siyang nagsabing, ”Baka makapanood din ako n’yan!”

Idinagdag pa n’yang may sarili namang hukbo ng fans si Regine kaya parang ‘di naman makaaapekto sa kanya na may online event din ang FDCP sa gabi ng concert ng Songbird.

Naipagtapat din ni Liza na noong January 15 pa ipinasya ng FDCP Council na sa February 28 idaos ang FAN para magsilbi rin itong closing ceremonies ng Arts Month ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na siyang major partners ng FDCP para sa FAN event nito. (At iisang tao lang ang namumuno sa CCP at NCCA: ang dating film and stage director na si Arsenio “Nick” Lizaso.)

In fairness to Regine, noong February 14 dapat ang concert n’ya. Kinailangan n’yang i-postpone ‘yon dahil ilang araw bago dumating ang Valentine’s Day na-trace na isa siya sa nakasalamuha niya ay nag-positive sa Covid.

Nagpa-test siya, nag-quarantine, pero ilang araw habang naka-quarantine, lumabas ang resulta. Bale “Love Month” naman ang buong February kaya naisip nito na sa 28 ng buwan ituloy ang concert n’ya.

Wala rin siguro siyang malay na Feb 28 din ang big event ng FDCP na a few days ago lang din ini-announce.

Ang FAN ay parangal para sa mga artista at film and television workers na may proyektong nagwagi sa isa o higit pang international film festivals. Bukod sa pagpaparangal, may magagandang intermission numbers sa gabing iyon.

Kabilang sa mga artistang bibigyang parangal sina Dingdong Dantes, Christine Reyes, Lovi Poe, at Allen Dizon. 

Ang mga intermission numbers ay magtatampok kina Bamboo, Tres Marias (Bayang Barrios, Cooky Chua, and Lolita Carbon), Bituin Escalante, Beverly Salviejo, Karla Gutierrez, Lawrence Jatayna, at The Pogi Boys. 

May special number din na sama-sama sina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Richard Poon, Kean Cipriano and Duncan Ramos will also take place.

Oo nga pala, ayon kay Chair Liza, tuloy na tuloy din ang taunang Pista ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre. Umaasa nga siyang sa nasabing buwan ay bukas na ang mga sinehan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *