SA pamamagitan ng email, nakapanayam namin si Kyline Alcantara at ang una naming itinanong ay kung paano niya pinangangalagaan ang kanyang mental health sa panahon ng pandemya.
“By talking to a lot of people lalo na sa mga taong alam kong maiintindihan ako. It’s really important to talk about it and let people know that mental health exists.”
May maipapayo ba si Kylie sa mga millennial na kagaya niya para manatiling maayos ang isip at katawan ngayong pandemya?
“Talk to people, tell your parents how you feel, what’s going on in your mind. I just want everyone to know na hindi kayo nag-iisa.
“There are a lot of people who will help you and are willing to help you. Times are tough nowadays, but so are you. Kaya natin ‘to. Laban tayo.
“Regarding your health, sundin lang natin ‘yung health protocols. If wala naman sobrang importante na gagawin sa labas, huwag na tayo lumabas.”
Nag-trending at mataas ang rating ng Magpakailanman episode ni Kyline sa GMA noong Sabado na may pamagat na Rape Victim, Ikinulong! na kasama niya sina Sharmaine Arnaiz, Luis Hontiveros, at Elle Villanueva. (ROMMEL GONZALES)