Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gardo talo na sa kasikatan ni misis

HINDI nagbabago ang desisyon ni Gardo na hindi siya tatakbo sa anumang puwesto sa politika kahit may mga humikayat sa kanya.

“Hindi ako talaga … parang masaya na ako na, like roon sa bike group namin kahit nag-aambag-ambagan lang, may natutulungan kayo, kaysa ‘yung parang, kumbaga maraming mga explanation.”

Naka-collaborate na ni Gardo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Tiktok, mayroon pa ba siyang loveteam na nais makatrabaho?

“’Pag ‘yung sa akin kasi, ano eh, kumbaga kung sino lang ‘yung available, o kung sino lang ‘yung may gusto, kumbaga hindi naman ako nangha-hunting,” at tumawa si Gardo.

“Minsan kahit mangingisda, magsasaka, waiter…”

Nagulat naman kami sa rebelasyon ni Gardo na wala siyang nakukuhang pera sa kabila ng mga sikat at viral Tiktok videos nila ng misis niya, kumbaga, hindi pala monetized ang Tiktok niya.

“Wala, wala. Maano lang siya, kasi like, sa dami ng mga naka-monitor, maganda siyang pang-campaign, kaya siya pinapasok ng politiko.

“Pero hindi siya namo-monetize.”

Akala rin niya dati ay may malaking perang nakukuha sa Tiktok lalo na kapag maraming views at nagba-viral ang mga video.

“Kapag Kumu yata, dahil like ‘yung sa mga singer, iyon yata mayroon, kamukha siya niyong Youtube. 

“Ang problema naman doon sa Youtube ko dahil halos maraming Tiktok, bayad ng bayad sa copyright,” at muling natawa si Gardo, ”ayun, ayun ang problema.”

Ang isa pang benepisyo na nakukuha ni Gardo mula sa Tiktok ay,

“Sumikat ‘yung asawa ko. Sabi ko nga baka puwede na akong mag-retire,” at muling humalakhak si Gardo. ”Kasi ‘pag minsan lalabas, parehas kaming naka-mask, siya ‘yung mas unang nakikilala.

“Sabi ko, ‘Mas kilala ka na kesa sa akin!’

“Puwede na akong sa bahay na lang, mag-alaga ng bata.”

Pero mukhang matagal pa bago magretiro si Gardo, mapapanood nga siya sa pelikulang Ayuda Babes kasama sina Ate Gay, Petite Brockovich, Brenda Mage, Negi, Juliana Parizcova Segovia, at Iya Mina, at sina Joey Paras at Zeus Collins.

Introducing naman sina Bidaman finalist Dan Delgado, ang tinderang masungit sa Youtube na si Bernie Batin at ang Bubble Gum Pop Princess Christi Fider.

Idinirehe ito ni Joven Tanat may special participation sa pelikula sina Marlo Morte at Marc Logan. Mula sa Saranggola Media Productions, ipapalabas ito sa March 5 via streaming sa iWantTFC at KTX.ph.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …