Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga kontrabida sa Voltes V: Legacy, ipinakilala na

HANDA nang maghasik ng lagim at kaguluhan ang mga gaganap na kontrabida sa much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy ng GMA Network.

Napiling gumanap si Martin del Rosario bilang si Prince Zardoz, ang prinsipe ng Boazanians na mangunguna sa pag-atake at pananakop sa mundo. Biggest break kung maituturing ni Martin ang role. ”’Yung puso ko talagang kumabog ng kumabog kasi alam ko kung gaano kalaki itong project na ito. Ang daming good roles na dumating sa akin, pero kino-consider ko itong si Prince Zardoz as my biggest break.” 

Ang pinakatusong babae naman sa lahat ng Boazanians at nagmamahal kay Prince Zardoz na si Zandra ay gagampanan ni Liezel Lopez. Aniya, ”Noong nag-audition po ako, hindi siya ‘yung usual na kontrabida na like strong. I focused on the love for Zardoz and I think maybe that is the reason why ako ‘yung napili.” 

Gagampanan naman ni Epy Quizon ang kubang scientist at malupit na adviser ni Prince Zardoz na si Zuhl, ”This is unique because this is from my childhood. Nilalaro ko ‘yung Voltes V so to be part of this show is really not just an honor but bumalik ‘yung pagkabata ko.” 

Ang heneral na si Draco naman ay bibigyang-buhay ni Carlo Gonzales. Bilang paghahanda sa kanyang role, pinahaba na rin ni Carlo ang  balbas kagaya ng kanyang karakter. ”Malaking tulong ‘yung quarantine dahil I don’t need to go out anymore, talagang bahay lang ako. I don’t need to groom it. I just need to grow it out.” 

Abangan ang ilan pa sa makukulay na karakter sa Voltes V: Legacy sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …