Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruffa iniiyakan pa rin si Yilmaz

PAGOD na ang puso ni Ruffa Gutierrez kaya pahinga muna siya ngayon.

Hiwalay na si Ruffa at ang foreigner boyfriend na si Jordan Mouyal after seven years of relationship.

“Ako ang nakipag-break sa kanya. Pahinga muna ang puso ko. My Dad and my Mom are not getting any younger.

“I have to focus on my family, my kids and my career,” rason ni Ruffa sa virtual interview niya sa press.

Eh ano ‘yung tsismis sa kanila ni former QC Mayor Herbert Bautista?

“Naku, mentor ko si Mayor! I call him mayor.

“Siguro nagustuhan nila ‘yung tandem namin sa ‘The House of Arrest of Us’ kaya ini-link kami.

“He’s a very good friend. Platonic lang at walang emotions involved. Marami akong natututuhan sa kanya, “ saad pa ni Rufing.

Balitang magkikita sila ng dating asawang si Yilmaz Bektas sa June. Naging emosyonal siya sa pagbanggit ng pangalan ni Ylmaz.

“Si Ylmaz lang ang lalaking hanggang ngayon ay iniiyakan ko pa rin. Dalawa ang anak namin, sina Lorin at Venice.

“Eh alam naman ninyo ang lovelife namin, ‘di ba? Hindi dahil sa nag-fall out of love ako kaya naghiwalay kami. It’s more of I had to learn how to love myself first,” sey pa niya.

Hindi ang makipagbalikan ang pag-uusapan nina Ruffa at Yilmaz kungi ang co-parenting nila. ”Wala sa usapan ang reconciliation,” diin ng aktres.

Sa totoo lang, naging mabenta si Ruffa ngayong pandemic. Matapos ang Stay in Love series niya sa TV5, isa mas malaking series ang susunod niyang gagawin sa Abril.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …