Monday , December 23 2024
abs cbn

ABS-CBN may utang na P999-M sa DBP — Roque

UMAABOT sa P999-M ang sinasabi ni Secretary Harry Roque ang dapat pang bayaran ng ABS-CBN sa gobyerno at iyan ay may kinalaman sa utang ng pamilya Lopez sa DBP.

Ayon sa matrix na ipinakita ni Roque sa telebisyon, umutang ang pamilya Lopez ng P1.6-B sa DBP, at hindi na nila nabayaran iyon. Para may ma-recover kahit na paano, ipinasa naman ng DBP ang utang ng mga Lopez sa Lehman SPV ng palugi. Ang masama, may bintang na nabawi naman ng mga Lopez ang kanilang mga ari-arian sa napakaliit na halaga lang kung ang pagbabatayan ay ang kanilang nautang.

Lumalabas sa usapan na mukhang may anomaly sa pasahan ng utang at kung paaano nabawi ang properties na ipinangutang.

Kaya ang sabi ni Roque, ”pabayaan ninyong ang Ombudsman ang mag-imbestiga niyan.”

Matagal na iyang usapang iyan, at ayon nga sa DBP legal nang nai-settle iyon, pero wala na sa records nila kung paano ang naging settlement dahil lampas na ng 10 taon iyon, at ang kanilang records ay talagang hanggang 10 taon lamang. Pero iniutos nga ng presidente na imbestigahan iyan ng Ombudsman at sinabi niyang haharangin niya ang operation ng ABS-CBN kahit na bigyan pa iyon ng franchise ng kongreso hanggang hindi nabababayaran ang pagkakautang niyon sa gobyeno, sa taxes, at sa DBP.

Mukhang mahaba nga iyang usapang iyan at kaya tahimik ang ABS-CBN, alam nila na matatapos na ang term ni Presidente Digong sa 2022, hindi pa tapos ang usapang iyan sa husgado, at posibleng makakuha na silang muli ng panibagong franchise at makapag-operate na dahil iba na rin tiyak ang mga mamumuno sa NTC. Iyang NTC ay nasa ilalim ng Office of the President at ang mga namumuno riyan ay “co-terminus” sa panunungkulan ng pangulo.

Ang ABS-CBN naman, mukhang tanggap na nilang hindi makalulusot ang bill sa panibagong franchise hanggang hindi nababago ang composition ng Kongreso, kaya ibig sabihin niyon ang earliest possible time na makababalik sila on air ay sa 2023 pa. Mayroon pang isang problema, dahil wala silang franchise sa ngayon, ang kanilang assigned frequencies ay maaaring ibigay ng NTC sa iba.

Magiging problema nila iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *