Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez tuloy ang career sa Kapamilya Network

After ng pinagbibidahang top-rater na teleseryeng “Pamilya Ko,” na naabutan ng pansamantalang pagsasara ng ABS-CBN ay tuloy-tuloy pa rin ang career ni Sylvia Sanchez sa ABS-CBN.

Yes parte si Sylvia ng bagong drama series ng Dreamscape Entertainment na “Huwag Kang Mangamba” na all star cast, at dalawang beses nang nagkaroon ng lock-in taping.

Very challenging ang character na gagampanan ni Ibyang (palayaw ng aktres) sa naturang teleserye kaya feel niya ang bawat eksenang ginagawa niya rito. Knowing Sylvia na ilang beses nagkamit ng Best Actress award, gamay na niya anuman ang ipagawa sa kanya ng kanilang director.

Yes, tulad ni Nora Aunor, isa sa panlaban ng Kapamilya actress sa acting ang nangungusap na mata. By the way, ayaw na muna niyang mag-comment sa balitang tatakbong konsehal sa isang distrito sa Quezon City ang panganay na si Arjo Atayde. Malayo pa naman daw ang election at antayin na lang na manggaling ito mismo kay Arjo na like Ibyang ay shining din ang showbiz career at nanalo pa ng international best actor award na tinalo ang mga sikat at mahuhusay na actors sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Isang malaking karangalan para sa bansa ang nakamit na pinakamataas na award ni Arjo sa Asian Academy Creative Awards 2020.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …