Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother, daughter Marian & Zia magkasama sa bonggang ad campaign ng Waltermart

PANGALAWANG taon na ni Marian Rivera sa Waltermart, and in all fairness tulad ng iba pang endorsements niya ay maganda ang relasyon ni Marian sa popular na supermarket sa bansa na parami nang parami ang branches na umabot na sa 39.

And this time sa bago nilang bonggang-bonggang Online Ad campaign ay kasama na ni Marian sa bagong TVC ang tulad niyang super pretty daughter na si Zia.

At sa kanilang bahay mismo ni Dingdong Dantes kinunan ang said commercial. Tinatanong ni Marian si Zia kung gusto ng chicken? “Yes Mommy!” agad ang daughter. Siyempre kanilang inorder sa Waltermart via online na madalas gawin ng GMA Primetime Queen.

Ito ang kuwento ni YanYan sa virtual presscon sa kanya ng nasabing endorsement. Yes lahat ng pangangailangan nila sa house ay dito nila binibili na bawat buy mo ay may saving points kang makukuha sa kanilang reward card.

Kaya payo ni Marian sa kanyang mga kapwa wifey, ilista ang lahat ng inyong basic needs at itawag lang sa Waltermart para mai-deliver agad sa inyong mga tahanan.

Pero kung may malapit na branch sa inyong lugar ay puwede na kayong mamili nang personal rito at makasisiguro kayong sariwa ang mga gulay, prutas, at kanilang meat and fish products.

Samantala sa said presscon ay sinabi ni YanYan (palayaw ni Marian), hindi totoong preggy siya at marami pa raw silang gagawin at antayin na munang mag-3 yreas old ang bunsong si Ziggy bago ito mangyari na kalooban siyempre ng Diyos.

At kung gagawa raw siya uli ng show sa GMA, ang kanyang mother network ay this time gusto niya comedy at ang hubby na si Dingdong ang gusto raw niyang makasama.

This Valentine’s day dahil buhay pa rin ang CoVid-19 ay sa bahay lang sila ni Dong magse-celebrate at

ang request sa kanya ni Dong at Zia ay ipagluto niya ang kanyang mag-ama ng favorite nilang lahat na spaghetti na lahat ng ingredients ay galing sa Waltermart.

Kasama rin ang manager ni Marian sa presscon na si Sir Rams David na siyang tumanggap ng offer sa TVC ng mag-mommy na pareho niyang alaga, at dalawang top executives from Waltermart kabilang ang marketing head na si Ms. Rachel.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …