Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms Pilita at Diego magco-collab (Kahit anong kanta siya mag-a-adjust)

NATATANDAAN namin last year, ang huling presscon na napuntahan namin ay ang pagpirma ni Diego Gutierrez ng kontrata bilang bagong talent ng LVD Management ni Leo Dominguez. 

Iyon ang huling physical presscon na naranasan namin bago nagkaroon ng lockdown sa buong Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, dahil sa coronavirus pandemic.

At dahil nga “huminto ang mundo” dahil sa pandemya, tila huminto rin ang magsisimula pa lamang sanang showiz and singing career ni Diego.

Naramdaman ba ni Diego na tila may “sumpang” nangyari sa karera niya bilang artista at singer? Nanghihinayang ba siya na hindi agad nakaabante ang showbiz career niya?

“Kahit paano po mayroon kasi sayang, I mean parang natigil po lahat kasi. I mean hindi lang naman ako ang naapektuhan, everyone, everyone in this world was affected by the pandemic.”

Pero dahil positibo ang pananaw ni Diego sa buhay at mga bagay-bagay, kinakitaan naman niya ng “silver lining” ang nangyaring lockdown.

“But I’m just trying to think na everything happens for a reason, na kahit ganoon, siguro kung hindi nag-lockdown baka hindi nabuo itong kantang ito na first single ko, so I just believe that everything happens for a reason.

“And in God’s perfect time.”

Available na for streaming (https://foundation-media.ffm.to/onadream) ang On A Dream na kanta ni Diego na sila ni Wilde Quimson ang sumulat.

At dahil nga sa nagkakaroon na tayo ng pag-asa dahil sa paparating na bakuna at tila bumabang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, marami na nga ang mga magaganap sa career ng guwapong solong anak na lalaki nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Magkasama na sila ni Janine Gutierrez sa ASAP Natin ‘To. At dahil lola niya ang Asia’s Queen of Songs, hindi imposible na magkaroon sila ng collaboration ni Ms. Pilita Corrales.

Napag-usapan na nga nila iyon ng lola niya.

“Lagi po niyang sinasabi eversince na gumawa po ako ng kanta na gusto niya akong maka-duet. So super-open po ako to that.

“Kahit anong kanta basta siya ang mag-a-adjust for me. Alam n’yo naman si Mamita, cool si Mamita, kahit ano kakantahin niya.

“Hopefuly soon magawan ng paraan ‘yun, kahit performance sa ‘ASAP’ or something, or mag-record kami. Excited po ako.”

Open din si Diego sa posibilidad na bukod sa pagkanta, aarte rin siya. May mga nais na siyang makatrabaho kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Siguro for me, it would be a super-honor to work with the top leading ladies now like sina Liza [Soberano], Kathryn [Bernardo], Julia [Barretto], so… wala naman po akong ano, kahit sino po basta… iyon po, sila po.”

Isang showbiz royalty mula sa agkan ng mga de Leon at Gutierrez, pressure ba para kay Diego na pantayan o lampasan ang mga naabot ng mga magulang niya, ng mga lolo (Christopher de Leon at Eddie Gutierrez) at lola (Pilita at Nora Aunor) niya at mga tito at tita (Richard, Raymond, at Ruffa Gutierrez at Matet at Ian de Leon) niya?

“I wouldn’t call it naman po pressure kasi parang iba ‘yung pressure, parang negative. Pero ang ginagawa ko lang is I use it as motivation po.

“I want to make sure na kung ano ‘yung naabot ng family ko kasi lahat po sila magagaling talaga, si ate Janine, si Mama, si Papa, sila uncle Richard, lahat po super-decorated actors and actresses and I want to make sure that in my field maabot ko rin yung na-reach nila. So, lalo lang po ako namo-motivate, lalo akong nai-inspire na galingan pa lalo ‘yung ginagawa ko,” tugon pa ng binata.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …