Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Royce Cabrera, mapangahas sa Magpakailanman

NAKILALA ang bagong Kapuso actor na si Royce Cabrera sa kanyang matatapang na pagganap sa indie films, pero ngayong Sabado, Pebrero 6, ay gagampanan naman niya ang mapangahas na karakter ni Makoy sa telebisyon.

Wala nang mahihiling pa si Makoy dahil mayroon silang masaganang buhay at masaya at buong pamilya. Pero ang lahat ng ito ay unti-unting guguho nang malulong sa bisyo ang kanyang mga magulang, makulong ang kanyang ina at malagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang ama.

Sa murang edad ay kinailangan niyang pasanin ang kanyang mga magulang at kapatid, hanggang sa mapilitan siyang pasukin ang mundo ng pagiging sex worker.

Pero hanggang kailan niya kakayaning maging parausan ang kanyang katawan? Ano ang mga kapahamakang naghihintay sa kanya sa pinili niyang landas? Mabubuo pa kaya niya ang kanyang pamilya kahit na siya ay wasak na wasak na?

Tunghayan ang natatanging pagganap ni Royce sa Masahista For Hire episode ng Magpakailanman kasama sina Neil Ryan Sese, Khim De Leon, Rob Sy, at Alma Concepcion. Ito ay idinirehe ni Mark Dela Cruz, sinaliksik ni Karen Lustica, at isinulat ni Benson Logronio.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …