Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor guest sa “Himig ng Lahi” nina Pilita at Darius, kumanta rin ng theme song ng hugot series sa VivaMax na “Parang Tayo Pero Hindi”

Matapos ang one-on-one interview at jamming kay Janno Gibbs sa kanyang segment sa Happy Time sa Net25, nag-duet ang singer-actor at si Marion ng Simply Jessie.

Soon ay mapapanood ninyo ang young Sultry Diva at Queen (Millennial) of Cover Songs na si Marion Aunor sa “Himig Ng Lahi” nina Ms. Pilita Corales at Darius Razon na mapapanood rin sa Net25 every Sunday at 6:30 pm.

Sulit ang manonood nito specially sa fans and supporters ni Marion dahil kakantahin niya ang ilan sa kanyang hit songs tulad ng Akala at Delikado.

By the way, sa kabila ng pandemic, marami sa ating mga artista at singer ang walang raket. Si Marion ay hindi nawawala bukod sa mapapanood sa kanyang magagandang renditions ng songs sa YouTube channel. Si Marion Aunor rin ang kumanta ng theme song ng hugot series na same title “Parang Tayo Pero Hindi” sa Viva Max na pinagbibidahan nina Xian Lim, Kylie Versoza, at Marco Gumabao.

Sa virtual presscon ng said series ay nag-perform si Marion and as expected ay marami ang humanga sa dalaga ni Maribel Aunor na bukod sa very classy ang voice ay maganda, sexy at flawless. Malakas rin sa Spotify ang mga song ni Marion ‘yung “Akala…” nito ay over 25 million streams (still counting) also her latest single na “Mahal Kita Ngayon” na puwede n’yo rin i-download sa Apple Music and Deezer.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …