Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mega produ, babaguhin ang imahe ni Nora; Joed, sinagip ang showbiz

MATAGAL na sa showbiz si Nora Aunor pero ngayon lang magbabago ang imahe na mula sa pagiging bida ay magiging kontrabida na.

Ipo-prodyus ni Joed Serrano ang pelikulang may titulong, Kontrabida  na nagkaroon na ng story conference noong Huwebes. Isang magandang pelikula ito na isinulat ni Jerry Gracio.

Bukod dito, abala rin si Guy sa kanyang serye sa GMA 7, ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

 

Joed, sinagip ang showbiz

HINDI naman puro kamalaasan ang dala ng Covid, may mga moral lesson ding ipinakikita sa madla. Isa na rito ay ang pag-iwas na magmayabang. Iwas sa pagdadamot, iwas  pagkagahaman, at nagturo rin ng pagtulongsa sa kapwa.

Isang himala rin ang naganap sa showbiz na bagamat maraming nawalan ng trabaho, hindi akalaing sasagipin ng isang bagong producer, si Joed Serrano ng GodFather Productions. Dating mainstay ng That’s Entertainment si Joed na ngayon ay producer na.

Siya ang producer ng malapit nang ipalabas na Anak ng Macho Dancer.

Sinugalan niya ang isang baguhan, si Sean de Guzman.

Pero malalaking star naman ang sumuporta rito, katulad nina Rossana Roces, Jaclyn Jose, Allan Pauel, at Jay Manalo at idinirehe ni Joel Lamangan.

18th birthday ng unica-hija ni Barbara, simple lang

IKA-18 kaarawan ng unika hija ng dating bold star na si Barbara Milano, si Quennie. Sa Talavera, Nueva Ecija siya nag-celebrate sa piling ng mga kamag-anak at kaibigan.

Hindi makapag-invite si Barang dahil bawal ang tipon-tipon.

Pagka-doctor ang kurso ng kanyang anak na isang Cum Laude sa UST.

Happy birthday, Queenie.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …