Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, napagdiskitahang apihin si Alden

ISANG rapist ang gagampanan ni Mark Herras sa bagong episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

Unang beses ito na gaganap si Mark ng isang offbeat role, nakilala kasi siya sa mga pang-leading man roles.

Pero sa estado ng career ni Mark ngayon, mas gusto niya na maging versatile, gusto niyang maging kontrabida sa pelikula o telebisyon.

Sino ang artistang nais niyang “apihin” o maging kontrabida sa susunod na show?

“Ako kahit kanino.”

Isang specific na artista na gusto niyang saktan o apihin?

“Sino ba? Marami, eh. But I mean siguro sa mga show ng GMA masarap umikot kasi like for example ayan kay Alden (Richards). Puwede kang pumasok na character bilang ‘kapatid’ ko naman.

“Pag ‘kapatid’ masarap i-bully ‘pag kapatid eh,” at tumawa si Mark.

“Kapatid” dahil matalik na magkaibigan sina Mark at Alden Richards at pareho silang taga-Sta. Rosa City sa Laguna.

“Si Alden, sobrang amo, sobrang amo ng mukha, ‘di ba?

“Kung sino ang ibigay sa akin na dapat apihin siguro, I’ll try my best para magawa ko kasi hiniling ko itong character na ito so, dapat talaga ipakita ko sa GMA na kaya kong gawin.”

May titulong I Married A Rapist, ang Magpakailanman new episode this weekend nakasama ni Mark si Anna Vicente, sa direksiyon ni Neal del Rosario.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …