PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ang deadline ng business permit renewal at pinapayagan ang mga nakarehistrong computer shop na ipagpaliban ang pagbabayad ng kanilang business taxes para sa taon 2021.
Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na ang lahat ng mga nagbabayad ng buwis sa negosyo ay maaaring bayaran ang kanilang business taxpayers nang walang surcharge, multa o interes, hanggang 28 Pebrero 2021.
Samantala, ang City Ordinance No. 2020-52 ay nagpapalawig sa renewal ng mga business permit at pagbabayad ng business taxes ng computer shops, mga internet café, pisonet at iba pang kaparehong establisimiyento hanggang payagan silang mag-operate.
Ang lahat ng mga multa at parusa, kabilang ang surcharge at interes, ay tinatanggal din sa tagal ng extension.
“Businesses are still reeling from the impact of the CoVid-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Keeping businesses alive means helping employees retain their source of income and be able to support their family. We will always strive to give as much assistance as we can to enable our people to thrive amid these challenging times,” dagdag ng alkalde.
(ROMMEL SALES)