Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 positive

Mayor ng Bocaue, konsehal, nagpositibo sa CoVid-19

KINOMPIRMA nina Bocaue, Bulacan Mayor Jose Santiago, Jr., at Konsehal Aldrin Sta. Ana na pareho silang napositibo sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19), nitong Miyerkoles 6 Enero.

Ani Mayor Santiago, nang sabihan siya na may nakasalamuha siyang taong positibo sa CoVid-19, agad siyang sumailalm sa swab test sa Joni Villanueva Molecular Laboratory (JVML) kung saan lumabas ang resulta noong Martes ng gabi, 5 Enero.

Pinaalalahan ni Santiago ang mga taong kaniyang nakasalamuha na obserbahan ang kanilang mga sarili at hangga’t maaari ay sumailalim sa self-quarantine.

Pahayag ng alkalde, kung nakararamdam sila ng sintomas, agad itong ipaalam sa mga barangay health official sa kanilang lugar o tumawag sa CoVid hotline ng bayan (0997 601 0408) upang matulungan silang makapagpa-test agad.

Samantala, kinom­pirma din ni Konsehal Aldrin Sta. Ana sa kaniyang social media post na siya rin ay nahawaan ng coronavirus.

Ani Sta. Ana, nasa mabuti siyang kalagayan at kinakailangan lamang na tapusin ang dalawang linggong self-quarantine upang matiyak na hindi siya makahahawa sa iba.

Pansamantalang isina­ra ang munisipyo ng Bocaue para sa isang linggong paglilinis at disimpektasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …