MASUWERTE si Sanya lopez dahil si Sen. Bong Revilla ang magbibinyag sa kanya para maging isang ganap na star.
Ilang tsikas na ba ang napasikat ni Bong sa showbiz?
Ang Agimat ng Agila ay isang maaksiyong serye na pagtatambalan nila ni Sanya. Excited nga si Sanya kasi naman isang big time actor at politician senador ang kapareha niya sa bagong project for 2021.
Marami na namang bagong idea si Bong para sa maaksiyong serye. Matagal ding hindi siya napapanood kaya tiyak na marami ang excited ding mapanood siya.
Kasama rin sa Agimat ng Agila sina Michelle Dee, Roi Vinzon, Allen Dizon, at Benjie Paras. Idinirehe naman ito ni Rico Gutierrez.
Ani Bong, ambitious project niya itong Agimat ng Agila kaya naman ganoon na lamang sila kabusisi ng kanyang director.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales