SWAK na swak kay Heart Evangelista ang bago niyang teleserye sa GMA Network na may title na I Left My Heart In Sorsogon.
Probinsiya ng mister niyang si Governor Chiz Escudero ang Sorsogon at naging bahay niya dahil sa pandemic.
Dahil tinawag na fashionista, tampok ang fashion niya sa series at siyempre, ang kabuuan ng Sorsogon.
Papapel si Heart bilang isang fashion socialite na babalik sa kanyang probinsiya at doon siya ay muling mapapalapit sa kanyang pamilya, komunidad at dating kasintahan.
Isa ang I Left My Heart in Sorsogon sa mga bagong programa ng Kapuso Network ngayong 2021!
I-FLEX
ni Jun Nardo