NAGLABAS ng official statement si Congressman Alfred Vargas nang mabanggit ang pangalan niya ni President Digong Duterte sa isang speech.
Kaugnay ito ng mambabatas na umano’y sangkot sa corruption issues. Kabilang ang QC congressman sa listahan.
“The President himself stated that “there is no solid evidence” and mentioning of names is not an indictment.” I am certain that I will be cleared.
“I am ready to submit myself for an investigation by the proper authority. Mere allegation is not proof.
“I have been a public servant for 12 years. My record is unblemished. My conscience is clear. I will not allow my political detractors, who misinformed PACC, to tarnish my name and reputation with wild accusations bereft of truth.
“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakalaban natin sa Pulitika,” laman ng statement ni Cong. Alfred.
Sa totoo lang, baguhan pa lang si Alfred sa showbiz eh malapit na siya sa press. Noong pasukin ang politika, hindi pa rin siya nakalimot tumanaw ng utang na loob.
Ngayong congressman na siya, nasubukan na naming humingi ng tulong sa kanya para sa isang kaibigan. Nag-aabot siya sa abot ng kanyang makakaya.
‘Wag naman ninyong sirain ang magandang imahe sa politika ni Cong. Alfred. Mabait siyang tao at hindi corrupt!
I-FLEX
ni Jun Nardo