Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor

Pelikula ni Nora, nganga na sa takilya, nganga pa sa award; Tinalo pa ng isang starlet

MABUTI nakasama nila sa pelikula si Michael de Mesa, na napili pang best supporting actor, kung hindi walang makukuhang award ang pelikula ni Nora Aunor kundi second best virtual float. Bukod doon, sinasabi pang ang kanyang pelikula ay isa sa mga “nganga” sa internet, at inamin naman iyon ni Nora na ang kanyang fans ay hindi techie at hindi sanay sa ganoong internet streaming.

Ang masakit, napakataas ng expectations ng mga tao sa kanyang pelikula. Kung sabihin nga ng fans, siya lamang ang superstar na kasali sa festival. Bukod doon, siya lamang ang star na nanalo na ng mga international acting awards. Iyong isang pelikula niya, pinili pang film of the century ng isang social media platform. Tapos nasilat at tinalo siya ng isang starlet na ang role ay nakaboso lamang sa isang artistang lalaki na kanyang hinahangaan. Iyon ang mas masakit doon. Kung sa bagay, hindi ito ang unang pagkakataong tinalo si Nora ng isang starlet. Hindi ba tinalo na rin siya noon ni Teri Malvar bilang best actress na hanggang ngayon naman ay hindi sumikat.

Ang mas masakit pa, sinasabing ang kanyang pelikula ay kasama sa mga kulelat. Kung sa bagay, lahat naman ng pelikula sa MMFF ay masasabi mong flop. Isipin ninyo iyong sa loob ng tatlong araw ay kumita lamang ang lahat ng sampung pelikula ng P11-M. Mas maliit pa iyan sa kita ng pinaka-balolang na pelikula noong mga nakakaraang festival, kahit na iyong sinasabing pinagsarhan ng sinehan dahil naka-pitong tugtog na ng Lupang Hinirang wala pa ring pumapasok para manood.

Doon pa sa P11-M, sinasabing halos kalahati ang kinita ng isang pelikula, dahil natangay ang mga tao sa pagpapakita ng fake na putotoy ng bida. Eh talaga namang iyang mga mahihilig sa internet mahilig ding mamboso. Hindi na sinasabing sa record eh ang mga Filipino ang talagang nagbababad nang husto roon sa gay website na Pornhub? Magtataka pa ba kayo kung may kumita dahil sa publicity na ang bida ay naglabas ng putotoy niya? Sumali sila dahil sa pag-asa nilang baka naman dahil festival iyan ay pagbigyan na at hayaang makapagbukas ang mga sinehan kahit na sampung araw lang. Kaso hindi pa rin.

Sa festival na iyan, lahat sila talo. Maski nga beneficiaries diyan nganga na lang. Pero ang mas matinding dagok nga ay kay Nora, dahil napakataas ng expectation ng mga tao sa kanyang pelikula. Eh hindi naman siguro gagawin ni Phillip Salvador o ni Michael na magpakita rin ng putotoy para lang kumita ang kanilang ginawang pelikula.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …