NAPAKALAKING pagbabago ang naganap ngayon sa Metro Manila Film Festival dahil nawala na ang ,ga patalbugan ng malalaking float ng mga movie outfit na kalahok sa festival.
Binago rin ng umaatakeng Covid ang tradisyong patalbugan ng magagandang outfit ng mga kababaihang lumahok at pagaraan ng Tuxedo at Barong Tagalog ng mga umaakyat sa tanghalan sa Gabi ng Parangal.
Binago rin ng Covid ang tema ng panonood ng MMFF na rati’y sa mga sinehan ginagawa, ngayo’y sa kanya-kanyang tahanan gamiti ang online streaming app.