Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Putotoy’ ni Paulo, naka-Ninos Inocentes

KUNG inaakala ninyong naka-score na kayo at nabosohan si Paulo Avelino, at kung naniwala kayo sa pakulo na mayroon siyang frontal nudity para panoorin ang kanyang pelikula, na-Ninos Inocentes kayo  ng maaga.

Noon mismong araw ng Pasko, kumalat sa social media ang isang video ng sinasabing eksena ni Paulo na jumi-jingle sa tabi pa ng poste ng DPWH, at walang kaabog-abog na iwinagayway pa ang kanyang “putotoy.”

Nagkagulo naman sila sa social media, dahil nabosohan nga raw si Paulo, at marami ang may gustong makapanood ng pelikula dahil “high definition” iyon at tiyak na mas malinaw. Eh sinasabi pa ng director na mapapanood nang buo ang pelikula nila ng walang cuts at nandoon ang frontal nudity. Eh ‘di iyong mga bosero naman ganado.

Kaso nabuko, kasi ang nakita pala roon ay hindi ang mismong “putotoy” ni Paulo kundi isang putotoy na ginawa lamang ng make-up artist na si Barbie Rothschild, na inilabas pa niya mismo sa kanyang social media account. Nang lumabas iyon, nagmumura ang nakabili ng tickets para makaboso sila sa internet. “Stunt cock” lang pala ang kanilang makikita at hindi putotoy mismo ni Paulo.

Iyan kasi, mahilig kayong magpapaniwala sa mga pra la la, ‘di nabiktima kayo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …