Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya, natakot sa mga mata ni Ate Guy

ISANG malaking challenge para kay Sanya Lopez, ang makatrabaho at makaeksena ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, at ang mga beteranong aktor na sina Phillip Salvador at Michael de Mesa sa Isa Pang Bahaghari.

Unang beses na nakatrabaho ni Sanya ang mga nabanggit na artista.

“Working with Ms. Nora Aunor, and lahat sila, talagang sobrang challenging for me, kasi talagang mahuhusay sila. 

“Tapos parang kada magkakaroon kami ng eksena parang ‘yung feeling na kinakabahan ako pero kailangan kong kontrolin.

“Siguro normal naman na kabahan tayo pero ayun, pinipilit mo na ayusin ‘yung bawat eksena para lang talagang kahit paano ay magkonek kayong dalawa bilang family.

“Okay naman, sobrang gagaling nila talaga.

“Nakakatakot ‘yung mga mata ni Ms. Nora Aunor, sobrang ano eh, parang lalamunin ka kapag umaarte na sa harap mo,” ang bulalas ni Sanya.

Samantala, dahil hindi naipakilala ng personal ni Maris Racal kay Ate Guy ang ina ni Maris na isang solid Noranian habang nagsu-shooting sila ng Isa Pang Bahaghari, ipinagdarasal ni Maris na sana ay magkaroon ng part 2 ang pelikula at gagawan na niya ng paraan na makaharap ng kanyang ina ang Superstar!

Mula sa Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, mapapanood ang Isa Pang Bahaghari online sa buong mundo simula December 25 via upstream.ph.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …