Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Clash, trending ang finale; may Christmas Special ngayong Biyernes!   

TRENDING ang grand finals ng The Clash Season 3 nitong Linggo (December 20) na itinanghal ang Power Cebuana Diva na si Jessica Villarubin bilang ikatlong Grand Champion.

 

Tagumpay na nasungkit ng 24-year-old singer ang titulo matapos ang kanyang nakabibilib na pagkanta ng Habang May Buhay laban sa Belter Babe ng Makati na si Jennie Gabriel

 

Samantala, imbitado ang lahat sa isang engrandeng pagtitipon sa araw ng Pasko tampok ang mga minahal ninyong himig at tinig sa The Clash Christmas Special: Pasko Para sa Lahat.

 

Matapos ang mga hindi inaasahang pagsubok na dulot ng taong 2020, kikislap ang pag-asa ngayong Kapaskuhan sa handog na Christmas special ng The Clash.

 

Makisaya kasama ang The Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Journey Hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan, pati na rin ang Clash Panel na sina Pops Fernandez, Christian Bautista, at Aiai delas Alas sa isang gabing puno ng kantahan at nakaaaliw na performances. 

 

Hindi rin dapat palampasin ang pasabog na performance mula sa grand champions na sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin

Bukod pa riyan, may inihanda ring performances sina Season 1 finalists Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, XOXO, Season 2 finalist Nef Medina at ilang pang finalists mula sa kakatapos lang na ikatlong season. 

 

Abangan ang The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat ngayong December 25 pagkatapos ng 24 Oras! 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …