HINDI pa man naipalalabas ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor, iniintriga agad na matatalbugan siya sa award ni Sylvia Sanchez.
Pagtatanggol ng isang netizen kay Guy, paanong hindi masasapawan ni Sylvia si Guy eh, istorya ng kabaklaan ang pelikulang nagtatampok din kina Phillip Salvador at Michael de Mesa.
Napapangiti nga si Guy kapag napag-uusapan ang pagsasama nila noon ni Ipe, ito ay sa pelikulang Bona.
Naging stalker siya ni Ipe at sobrang paghanga sa actor.
Sa movie nila ngayon certified na bading si Ipe at may boyfriend na kapwa lalaki.
Sabagay, it’s about time na manalo ng award si Sylvia dahil mahusay siyang artista at marami ng pruweba.
Sa pelikulang Coming Home katambal ni Sylvia si Sen. Jinggoy Estrada. Good luck kay Sylvia.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales