NOONG huli naming naka-chat si Sunshine Cruz, masayang-masaya siya. Hindi niya sinasabing problem free ang kanyang Christmas, lahat naman ng mga tao ngayon naninibago dahil diyan sa pandemic na iyan na mukhang magtatagal pa dahil sa kapalpakan. Pero ang sinasabi nga ni Sunshine, basta magkakasama silang mag-iina, at basta wala kahit na sino sa kanila na nagkakasakit, pasalamat na siya.
Iyon ang importante sa kanya, dahil siguro magugulo ang buhay niya kung isa man sa kanyang mga anak ang magkasakit pa ngayon, kaya nga ingat na ingat siya sa kanila at hindi na halos pinalalabas ng bahay. Siya rin naman, hindi siya umuuwi na hindi muna nakakapagpa-swab test kahit na sabihin mong mahal iyon.
“Mas mabuti na iyon kaysa makapagdala pa ako ng virus na maaaring magkasakit ang mga anak ko,” sabi pa ni Sunshine.
HATAWAN
ni Ed de Leon