MILYONES ang natengga sa Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Apat na movies ang natapos ng film production ni Harlene – In The Name of The Mother, Fusion, ang Ken Chan-Rita Daniela, at Isa Pang Bahaghari.
Para sa 1st Metro Manila Summer Film Festival ang Ang Isa Pang Bahaghari. Eh, nagka-lockdown at masuwerteng napili itong entry sa Metro Manila Film Festival 2020.
Bida si Snooky Serna sa In The Name of The Mother. Mother’s Day next year ang target nitong playdate ayon kay Harlene.
Pero ‘yung dalawang movies eh wala pang katiyakan. Hindi ito dahilan para madesmaya ang bunsong kapatid ni former QC Mayor Herbert Bautista at Hero.
“Bukod sa pagtulong sa movie, industry, alay di namin ang mga movie sa father kong si Butch Bautista na isang actor at director, pati sa Mommy Baby ko na kilala ninyong lahat na mabait sa mga taga-industry.
“Small player pa lang kami pero hindi kami magsasawang tumulong sa worker sa industry at ang movies namin ang alay namin sa kanila,” rason ni Harlene sa virtual presscon ng filmfest entry ng kompanya.
Sequel ng best picture na hit na Rainbow’s Sunset ang Isa Pang Bahaghari. Mas matindi ang casting nito dahil bukod sa senior stars na sina Nora Aunor, Michael de Mesa, at Philip Salvador, kasama rin sa cast sina Zanjo Marudo, Maris Racal, Joseph Marco, at Sanya Lopez.
I-FLEX
ni Jun Nardo