MASUWERTE si Ivana Alawi, imagine gagawin siyang bida ni Joed Serrano sa pelikulang ipo-prodyus niya, ang Anak ng Burlesk Queen.
Worth naman na magbida si Ivana dahil napakaseksi niya bukod sa talented din naman. Hindi rin naman siya pahuhuli kung acting ang pag-uusapan.
Dapat matuwa si Ivana sa proyektong ito dahil si Vilma Santos ang original Burlesk Queen. Nangangahulugan ding siya ang pagpapasahan ng kaseksihan ni Ate Vi.
Ayon kay Joed, napansin niya si Ivana noong minsang makita ang dalaga sa isang event.
Si Ivana ay elder sister ng child star ng GMA na si Mona Louise Meyer, star ng teleseryeng Heredera noong araw.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales