SI ATTY. LORNA KAPUNAN ang kinuhang lawyer ni Nadine Lustre nang kumalas siya sa Viva Artists Agency this year of January. At ngayong sinampahan na ng kasong breach of contract ng Viva si Nadine ay palaban ang kanyang abogado. Handa silang harapin at sagutin ang mga akusasyon sa kanila ng Viva.
Pero sa nakikita namin ay mali si Nadine rito na hindi na nga iginagalang ang kontratang pinirmahan ay tumatanggap pa ng proyekto na sinasarili na niya at hindi ipinaaalam sa kanyang dating management. So dahil ang contract ng actress ay valid hanggang 2029, malamang maging ang mga kumukuha kay Nadine ay madadamay sa kaso ng actress so matatakot na kunin ang serbisyo ni Ms. Lustre.
Sinasabi ni Atty. Kapunan, inaabuso raw ng Viva ang kanilang mga talent. Well kung tungkol ito sa komisyong kinukuha ng Viva Artists Agency e, bakit alam na pala ni Nadine na naagrabiyado siya ay bakit pumirma siya ng another 5 years contract na sa 2029 pa nga matatapos. Dito pa lang ay laglag na siya at malamang kapag natalo siya ay freeze na ang career niya hanggang end ng kanyang contract.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma