Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyo ni Marian, nadagdagan pa; Masuwerteng client, si Dingdong pa ang magde-deliver    

LUMAWAK na ang negosyo ni Marian Rivera na Flora Vida. Hindi na lang ito nakasentro sa flower arrangements na ibinebenta niya.

Sa huling zoom interview niya sa press, ibinalita ni Marian na mayroon na rin siyang Flora Vida Homes na nagkaroon ng launching noong December 8.

Produktong pambahay gaya ng upuan, sofa, throw pillows, kurtina at iba pa ang puwedeng orderin sa kanya online.

May pasorpresa pa si Yan sa masuwerteng client dahil may chance na ang asawang si Dingdong Dantes ang maghatid ng produkto.

Kahit ang Kapuso docu-drama na Tadhana lamang ang show niya, gusting-gusto naman niya ang role ngayon sa buhay na nag-aalaga ng asawa’t anak at nag-iisip ng negosyo na malapit sa kanyang puso.

Sa Flora Vida Homes, hindi pa rin mawawala ang hilig niya sa mga bulaklak na aniya eh marahil namana niya sa kanyang lola.

Anyway, sa nalalapit na Pasko, magkakaroon ng pagbabago sa tradisyong ginagawa nilang mag-asawa.

“Sa bahay na lang muna kami. Hindi gaya noon na sa Cavite kami kasama ang nanay ko and then, kina Dong. Ipasusundo ko ‘yung nasa Cavite at sa bahay na ang selebrasyon.”

Gaya ng halos lahat ng mga tao, wish ni Yan na bumalik na sa normal ang lahat sa 2021.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …