MATINDI ang naging expose ng isang dating radio announcer tungkol sa mga “kalakaran” sa kanilang network noong kanyang panahon. Huwag na nating pansinin ang mga sinasabi niyang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa. Problema na iyan ng DOLE at ng kanilang union. Ang nakatawag sa aming pansin ay ang mga kuwestiyong moral. Diretsahan niyang sinabi na maraming mga artistang lalaki na “kumakabit sa mga baklang executives para sila sumikat.” May karugtong pang, “kung hindi sila papayag, wala silang makukuhang breaks.”
Napakabigat na akusasyong moral iyan. Sayang at ngayon lang may diretsahang naglabas, dahil sa ngayon iyan ay bahagi na lang ng nakaraan. Noong panahong iyon naman, kahit na sabihin mong common knowledge iyan, walang aamin. Kahit na ang mga biktima mismong napagsamantalahan, hindi aaminin iyon. Bukod sa mawawalan sila ng breaks, malalagay din sila sa kahihiyan dahil sa ginawa nila.
HATAWAN
ni Ed de Leon