Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis at Jen, namahagi ng tulong sa Cagayan

HINDI akalain ni Dennis Trillo na personal na pamamahalaan ni Jennylyn Mercado ang pagre-pack ng mga ipamimigay nilang ayuda sa mga biktima ng bagyo sa Alcala, Cagayan.

Napakarami kasi niyon, pero okey lang kay Jen.

Sumama sina Jen at Dennis sa pagdadala ng mga pagkain, kumot, mineral water, at cash para sila mismo ang mamigay sa mga biktima ng bagyo.

Masaya si Dennis dahil may teleserye siyang gagawin at makakapreha si Alice Dixson.

Wow, age doesn’t matter talaga sa panahong ito.

Maging sina Ruffa Gutierrez at KC Concepcion ay dumalaw din sa Cagayan at Ilocos Sur para magdala ng tulong. Kasama nila sa Ilocos si Governor Chavit Singson.

Si Glaiza de Castro naman ay namigay din ng tulong sa mga taga- Baler, Quezon. May resort kasi siya roon at naging close na sa mga tao roon.

Maging sina Sen. Manny Pacquiao at Alden Richards ay nagdala rin ng suporta sa mga biktima ng bagyo.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …