NAKATATAWA ano, iyong kuwentong hanggang ngayon, nasara na’t lahat ang ABS-CBN, hindi pa pala nakukuha ni JR Siaboc ang napanalunan niya nang maging runner up sa Pinoy Dream Academy noong 2006. Hindi iyan ang first time na may narinig kaming hindi nakukuhang premyo. Maski nga sa mga beauty contest, may mga nanalong nagsasabing hindi nila nakukuha ang kanilang premyo, lalo na iyong “in kind.”
Pero wala pa kaming natatandaang nagreklamo tungkol sa premyo na may nakuha pagkatapos ng reklamo.
Iyan kasing mga ganyang premyo, sinasabing “nahaharang” ng kung sinong malalakas. Hindi na ibibigay sa mga nanalo dahil nakuha na nila ang premyong cash, at karaniwan hindi na nila hinahabol iyong “in kind”. Kung saan napupunta iyan, iyon sana ang kailangang imbestigahan kasi unfair iyan sa mga nanalo, at unfair din naman sa network dahil nasasabi tuloy na balasubas sila na hindi nagbibigay ng premyo.
HATAWAN
ni Ed de Leon