KINILALA muli ang Kapuso star at Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista sa international scene matapos mapabilang sa Top 10 Luxury Influencers Worldwide ng Forbes France.
Ibinahagi ni Heart sa kanyang Twitter account ang isang screenshot na makikita ang kanyang Instagram link sa listahan ng nasabing magazine. Nagpasalamat din siya sa pagkilala na bukod tanging siya lamang ang Pinay na nakasama sa listahan.
Isa rin si Heart sa global personalities na pasok sa prestihiyosong Vogue 100.
I-FLEX
ni Jun Nardo