Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Derek Ramsay

Third party, dahilan ng hiwalayang Derek at Andrea

SINASABI ng isang mapagkakatiwalaan naming source, “may third party, na siyang dahilan ng split-up nina Andrea Torres at Derek Ramsey.” Reliable source siya para sa amin, at kung hindi nga totoo ang tsismis niyang ito, ngayon lang siya magkakamali. Hindi pa rin naman kasi opisyal na umaamin sina Derek at Andrea na split na nga sila, bagama’t inalis na ni Andrea sa kanyang social media account ang lahat ng pictures nilang dalawa ni Derek at i-unfollow na rin niya iyon.

Ganoon din naman ang ginawa ni Derek, na inalis na ang lahat ng mga picture na kasama niya si Andrea pero hindi naman siya nag-unfollow.

Pilit naming tinatanong kung sino ang sinasabi niyang third party at ang sabi lang ng aming source ay “malalaman din ninyo.”

Nakagugulat iyang pangyayaring iyan dahil ilang buwan lamang ang nakararaan ay sinasabi nina Derek at Andrea na maaari na nga silang pakasal. Hindi man nila inaamin, alam ng lahat na nagli-live in na sila, dahil hindi nga ba’t si Andrea pa ang nagsugod kay Derek sa ospital isang madaling araw nang sumakit ang mga mata niyon dahil sa naging exposure sa UV light?

Ngayon, kahit na anong pagsisikap ang gawin para malaman kung talaga ngang split na sila o hindi ay walang nakukuhang sagot mula sa kanila, o sa mga tao mang may kinalaman sa kanilang career. Mukhang wala pang gustong magsalita dahil hindi pa naman siguro final ang desisyon nilang mag-split. Baka nga nagkatampuhan lamang silang dalawa at sooner or later ay magkakabalikan din.

Kaya nga kahit na very reliable ang aming source ay hindi pa rin namin lubos na pinaniniwalaang totohanan na ang split nilang dalawa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …