WALANG tulog si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin hanggang ngayong dahil marami pa silang mga biktima ng kalamidad sa Bicol na tinutulungan.
Nakadudurog ng puso na makitang ang mga kababayan mo’y biktima ng malupit na bagyo. Awang-awa si Imelda lalo na sa mga sanggol na inabutan ng perhuwisyong problema.
Matatag si Vice Mel at hindi siya sumusuko sa matinding kapaguran kahit walang tulog.
‘Yung maidlip lang siya ng sandali ay sapat na para makabawi ng lakas. Ayaw din kasing niya pabayaan ni Vice Gov ang pagbibigay ng ayuda sa mga biktima.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales