Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA, full force sa paghahahatid ng balita at pagtulong sa mga apektado ng bagyo

MAS nakatatakot ang hangin at ulan na dala ng bagyong Ulysses kahapon sa Metro Manila kompara sa bagong Rolly!

Hindi pa nga nakababangon ang Catandunes at ilang bayan sa Bicol kay Rolly, nagpalasap na ng bagsik si Ulysses lalo na sa Metro Manila!

Bilib kami sa ilang news reporter ng GMA Network gaya nina Ian Cruz at Saleema Refran.  Noong bagyong Rolly, nasa Catanduanes si Ian habang nasa ibang probinsiya ng Bicol si Saleema.

Nanatili silang dalawa sa kanilang respective areas nang rumagasa si Ulysses.

Bilang suporta at tulong sa ating kababayan, in full force kahapon  ang GMA Network sa coverage ng typhoon Ulysses na sinimulan sa Unang Hirit. May updates din ang GMA News TV sa bagyo at hataw agad sa report nang madaling araw sa radio ang DZBB na may 24-hour coverage.

Naghatid din ang GMA Regional TV ng ulat sa bagyo sa iba’t ibang panig ng bansa. Puwede namang tumutok ang netizens ng latest updates sa GMA News Online.

Bukod sa pagbabalita, nakahanda namang tumulong ang GMA Kapuso Foundation upang maghatid ng tulong sa naapektuhan ng bagyong Ulysses sa pamamagitan ng Operation Bayanihan.

Siyempre pa, apektado rin ang telecast ng noontime shows at shootings ng ilang movies dahil sa bagyo.

Mag-ingat po tayong lahat at laging magdasal na matapos na ang sunod-sunod na bagyo sa bansa! Hindi pa rin po tayo tapos sa COVID-19 kaya ingat pa rin tayo!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …