Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, aminadong kinuwestiyon ang sarili nang kuning host sa isang docu-series 

TATLONG taon na ang docu-series na Tadhana ngayong buwan na ang host ay si Marian Rivera.

 

“Nakatutuwang isipin na noong in-offer sa akin ang ‘Tadhana,’ malaking kuwestiyon sa akin. Bakit ako?” sabi ni Marian sa virtual presscon ng programa.

 

“Hindi ako marunong mag-host! Ito lang ang kaya ko! Kaya natutuwa ako dahil nakatatlong taon na kami. I love my ‘Tadhana’ family! Kahit sa bahay eh nakakapag-taping kami ngayon!” dagdag ni Yan.

 

Habang nasa bahay, ina-assist din niya ang panganay na anak na si Zia sa on-line classes nito.

 

“Talagang napakahirap! Parang nag-aaral din ako! Ngayon ako na.

 

“Sabi ko nga kay Dong, hayan, ako na ang teacher! Kasi pangarap kong maging teacher! Teacher na ako ngayon!

 

“Hirap noong una pero ngayon naka-adjust na siya! Nakatutuwa na ang mga bata, heto na ang mundo ngayon! Enjoy na siya!” sey pa niya.

 

Ang asawang si Dingdong Dantes ang director niya ngayon at sa bahay ginagawa ang taping.

 

“Mas komportable kami pero mas ligtas kasi nasa bahay!

 

“Artista niya ako, director ko siya. ‘Pag nagkamali, ulitin from the top! Metikuloso siya sa lights at lines,” saad niya.

 

Bukas, Sabado,  bago ang Wish Ko Lang ,ang unang anniversary episode ng Tadhana na The One That Ran Away na may two parts na tampok sina Kim Molina, Paolo Contis, Edgar Allan Guzman, at Dave Bornea.

 

Kasunod nito ang SS (Hindi pa Huli Ang Umibig) na tampok sina Cherie GilJon Lucas at iba pa.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …