PROBLEMADO ang You Tube channels ng ABS-CBN simula kahapon ng umaga. Agad naglabas ng statement ang ABS-CBN Corporation kaugnay nito.
“We are aware of the problem of accessing ABS-CBN New channels on You Tube. We are currently investigating this and working closely with You Tube to resolve the problem,” ayon sa statement.
Kapag pinuntahan ang YT channel, may nakasaad na ang video, “no longer available because the You Tube account associated with this video has been terminated.”
Ang balitang ito ay ibinahagi ng GMA News Online sa Twitter account nito.
Kinontak ng GMA News Online ang You Tube tungkol dito pero as of this writing ay wala pa itong sagot.
I-FLEX
ni Jun Nardo