MAY pumuna na kapansin-pansin daw batay sa record na mas marami ang nanood ng isang bading serye noong una iyong ipalabas sa internet. Nabawasan sa kanilang ikalawang episode ang bilang ng audience, at noong ikatlong pagkakataon, mas kumaunti pa ang audience sa kabila ng kabi-kabilang promo niyon sa internet, katulong pa ang nga troll na nagpapanggap na kinikilig sila sa bading serye.
“Pogi naman kasi iyong leading man, kaya lang bading na bading naman iyong isa. Kung sa bagay talaga namang bading iyon sa totoong buhay, pero sana hindi ganoon kalandi ang character niya sa bading serye nila. Tingnan ninyo iyong mga BL na Thai, hindi naman ganoon kabading ang character. May bading ba naman kasing mag-iilusyon sa kapwa bading? Siyempre ang ilusyon nila sa lalaki. Kahit na bading umarte naman sana lalaki gaya ni Papa,” sabi ng isang bading na entertainment writer.