Thursday , December 26 2024

Public officials maging mabuting ehemplo — Go

WELCOME development kay Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga alegasyon ng pang-aabuso na sinabing ginawa ni Philippine Ambassador to Brazil, Marichu Mauro, laban sa kanyang Filipino household staff member.

“Paalala ko lang na ang mga opisyal ay public servants — trabaho natin na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Filipino. Dapat tayong maging tamang halimbawa sa bawat mamamayan, lalo na ang mga ambassador na ang mandato ay proteksiyonan ang mga kababayan natin sa ibang bansa,” ani Go.

Pinaalalahanan ni Go ang lahat ng public officials na estriktong tumalima sa mga pamantayan na itinatakda ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at iba pang aplikableng pamantayan, gaya ng Foreign Service Act.

“Public office is a privilege and Mauro, like all other public servants, should be held to the highest of moral and ethical standards, not just in the performance of their official functions and responsibilities, but also on how they act as Filipino citizens,” paliwanag ng senador.

Paalala ni Go, ang public servants ay dapat na maging ehemplo, partikular yaong kumakatawan at may bitbit ng pangalan ng bansa sa international sphere.

“The government, most especially in foreign service, has no place for anyone who does not respect human rights and maltreats others just because of their stature in life,” anang senador.

“Walang sinuman ang may karapatang mang-abuso ng kapwa, lalo ang mga opisyal natin sa mga embahada sa ibang bansa. Nandiyan po kayo para pagsilbihan at proteksiyonan ang mga kababayan natin, hindi para abusuhin ang mga Filipino na maayos na nagtratrabaho para buhayin ang kanilang pamilya,” dagdag ni Go.

Bilang miyembro ng Senate Committee on Foreign Relations, hiniling ng senador sa DFA na tiyaking ang mga angkop na pamamaraan ay nasa ayos para kapwa maprotektahan ang karapatan ng akusado at ng biktima, at dapat sundin ang due process.

Nitong Biyernes, inianunsiyo ni DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr., pormal nang binuksan ng DFA ang imbestigasyon laban kay Mauro matapos ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang darating si Mauro sa bansa kahapon, Nobyembre 2 matapos pauwiin ng DFA, bunsod ng pagkalat ng mga CCTV footage na makikita ang ginagawa niyang pang-aabuso at pananakit sa kanyang Pinay na kasambahay.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *