Wednesday , January 1 2025

Biyaheng Ligtas, Ngayong Undas 2020

Pasig, Philippines — Oktubre 24, 2020 — Ngayong papalapit na ang Undas, marami sa atin ang marahil ay naghahanda na sa pagbisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, lalo na’t naiiba ang magiging pag-obserba sa mahalagang araw na ito ngayong taon.

Kamakailan, inanunsyo ng mga awtoridad na pansamantalang isasara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 – Nobymebre 4 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ngunit, maari pa rin namang bumisita mula Setyembre 17 – Nobyembre 15, basta’t may suot na face mask at face shield at pananatilihin ang social distancing.

Ayon pa sa Inter-Agency Task Force (IATF), 30 percent lamang ang maximum capacity ng mga papayang bumisita sa mga sementeryo at memorial park.

Sa kabila ng limitadong oras at mas-pinaigting na kampanya laban sa COVID-19, inaasahan pa ring dadagsa ang mga motoristang babiyahe sa mga itinakdang araw nang pagbisita. Kaya naman, paalala ng Prestone Philippines, ang nangungunang tagagawa ng cutting-edge coolants at brake fluids sa bansa, dapat ay handa at maayos ang kondisyon ng inyong mga sasakyan bago bumiyahe sa pamamagitan nang pag-check ng inyong BLOCBAGETS.

Ano nga ba ang mga ito? Narito ang mga dapat ninyong i-check para sa biyaheng mas ligtas, ngayong Undas:

Brakes. Apakan ang brake pedal hanggan sa lapag upang matingnan kung tama lang ang resistensya nito. Siguraduhin rin na maganda ang quality nang ginagamit na brake fluid at hindi counterfeit upang ligtas ang inyong sasakyan.

Lights. Inspeksyunin ang inyong auto lights kagaya ng headlights, turn signals, brake lights, reverse lights, at taillights bago bumiyahe. Iharap ito sa pader o malaking bagay upang matingnan ang lakas nito o kung lumalabo na upang malaman kung kailangang ipaayos ito o hindi.

Oil. Importanteng bagong lagay at hindi tuyo ang langis ng sasakyan upang mapanatiling nasa magandang kondisyon ang makina nito. Siguraduhing walang leak ang sasakyan at may tamang oil level ang makina.

Coolant. Tinutulungan ng coolant na maiwasang mag-overheat ang mga makina ng sasakyan. Hinihigop nito ang init sa makina at inilalabas sa radiator. Kung gusto niyong manatiling ‘presko’ ang makina, siguraduhing may tamang coolant level ito.

Battery. Bago niyo gamitin ang inyong sasakyan, siguraduhing naka-charge at malinis ang mga terminal. Siguraduhin ring maayos ang pagkakakabit ng mga cable sa terminal upang maiwasang biglang mamatay ang battery habang bumibiyahe sa gitna ng kalye.

Air. Siguraduhing napahanginan nang maayos ang gulong ng inyong sasakyan bago bumiyahe. Makatutulong ito siguraduhing nasa tamang level ang air pressure ng gulong.

Gas. Panatilihing puno ang gas tank ng inyong sasakyan. Mas mainam rin kung bagong lagay ito. Makakatulong ito lalo na tuwing mahaba-habang biyahe  o habang nasa gitna nang malalang traffic.

Engine. Siguraduhing walang leaks o kakaibang tunog na posibleng pahiwatig ng problema bago bumiyahe. Kapag may natuklasan kayong ganitong problema, konsultahin kaagad ang inyong mekaniko.

Tire. Ang pinaglumaang gulong ay posibleng maging mapanganib sa inyong sasakyan habang bumibiyahe. Siguraduhing gumagamit kayo ng bagong gulong na maayos ang kondisyon.

Self. Wag na wag kalilimutang dapat kayo mismo ang nasa tamang kondisyon bago bumiyahe. Siguraduhing wala kayong nararamadamang sintomas o sakit lalo na ngayong mayroong pandemya.

Paalala rin ng Prestone, dapat ay mag-ingat sa mga produktong gagamitin sa inyong sasakyan, lalo na ang mga brake fluid na maaring paso o counterfeit pala. Ang paggamit ng pekeng brake fluid ay maaaring makasira o maging dahilan para mag-overheat ang makina, o kaya naman ay kawalan ng prenong pwedeng maging sanhi ng aksidente.

Para malaman ang authenticity na brake fluid, tingnan nang maigi ang mga detalyeng nakadikit sa produkto para sa mga maling spelling. Siguraduhin ding mayroon itong PS mark o ICC sticker na inisyu ng Bureau of Product Standards ng Pilipinas. Karamihan sa mga counterfeit product ay naka-900ml packaging.

Mag-ingat din sa mga nagbebenta ng brake fluid na hindi tukoy kung saan ang pinagmulan at sa mga presyong kaduda-duda at mas mababa kumpara sa orihinal na presyo.

“Ang kaligtasan ng mga motorista sa kalsada ang pinaka-prayoridad naming lahat sa Prestone. Kaya sinisiguro naming high-quality ang aming mga produktong makatutulong para ligtas ang kanilang biyahe,” Sabi ni Paolo Lao, marketing director ng Prestone Philippines.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Prestone, bisitahin ang kanilang website, https://www.prestone.com.ph/ at i-follow ang kanilang Facebook page, Prestone Philippines.

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *